Mensahe ng Pangulo para sa Ika-112 Anibersaryo ng Serbisyo Sibil ng Pilipinas

Isang malugod na pagbati sa bumubuo ng Komisyon sa Serbisyo Sibil ng Pilipinas sa inyong ika-isandaan at labindalawang anibersaryo.

Nang simulan nating bagtasin ang tuwid na landas, bitbit natin ang layong mabigyan ng panibagong mukha ang pamahalaan. Mula sa dilim ng nakaraan, inihatid natin ito sa liwanag ng mabuting pamumuno. Ang dating mga pugad ng katiwalian, ginagawa na nating bukal ng tunay na serbisyo. Iisang direksyon ang pinili nating tahakin — ang mapagsilbihan ang ating tunay na mga ‘boss,’ ang sambayanang Pilipino.

Sa bawat araw ng paglilingkod, ipinapaalala sa atin ang halaga ng mga batas. Hiram lamang sa taumbayan ang ating kapangyarihan. Bawat sandali ng ating pamamahala ay nakalaan para sa ikauunlad ng bansa. At nandito na nga tayo. Ngayon, nagsisimula nang mamayani ang dedikasyon, integridad, at propesyonalismo sa panunungkulan. Ngayon, higit kailaman, napakasarap sabihing, “Kawani ako ng gobyerno. Bahagi ako ng makabuluhang pagbabago.”

Totoo po, ang kolektibong pagsusumikap ng mga lingkod bayan ang nagpapatibay sa pundasyon ng ating pamahalaan. Kaya naman sa bawat kawani ng Civil Service Commission, maraming salamat sa inyo. Hakbang bawat hakbang, nararating na natin ang ating mithiin — isang gobyernong binubuo hindi lamang ng mga lingkod bayan kung hindi ng mga ‘lingkod-bayani;’ isang bansang maunlad kung saan patas ang laban at namumukadkad ang kinabukasan.

Muli, isang maligayang pagbati sa anibersaryo ng Komisyon sa Serbisyo Sibil ng Pilipinas.

H.E. BENIGNO S. AQUINO III
Pangulo
Republika ng Pilipinas

Download PNoy’s message

Advertisements

One thought on “Mensahe ng Pangulo para sa Ika-112 Anibersaryo ng Serbisyo Sibil ng Pilipinas

  1. the civil service commission must look into a lot of government employees who still have padrenos the deserve to be kick out of the service because the arte incompetent and lazy employees.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s