Mensahe ng Tagapangulo ng CSC para sa Ika-112 Anibersaryo ng Serbisyo Sibil ng Pilipinas

 

Isang maligayang pagbati sa lahat ng lingkod bayan sa mga ahensiya ng pamahalaan.

Kaisa ninyo ang Komisyon ng Serbisyo Sibil sa pagdiriwang ng ika-isandaan at labindalawang anibersaryo ng Serbisyo Sibil ng Pilipinas. Kayo ang nagsisilbing matibay naming kasangga at kaagapay tungo sa pagpapatupad ng mga reporma para sa pagpapabuti ng serbisyo publiko at yamang-tao ng ating bansa.

Nagagalak ako na sa kabila ng napakaraming pagsubok at balakid, nananatili tayong positibo sa pagtupad ng ating tungkulin bilang mga lingkod bayan. Saludo ako sa inyong hindi matatawarang pagsisikap upang lalong mapag-ibayo ang paglilingkod sa mamamayang Pilipino at sa ating bayan.

Kinikilala ko ang lahat ng inyong pagtitiyaga at sakripisyo upang makatugon sa tawag ng tungkulin para sa taumbayan. Kayo ang haligi ng isang pamahalaang nagsusumikap upang patuloy na pagkatiwalaan tayo ng ating mga kababayan.

Umaasa akong sa pamamagitan ng paggunita ng anibersaryo ng Serbisyo Sibil, patuloy nating pagninilayan ang mga maaari pa nating maiambag o maihandog sa ating bayan. Isapuso natin na ang bawat araw ng ating tapat at mahusay na paglilingkod ay tungo sa pagtupad ng ating layuning “Gawing Lingkod Bayani ang Bawat Kawani”. Ito ang ating marubdob na mithiin.

Mga lingkod bayan ng Pilipinas, nawa ay magkaroon tayo ng masaya at makabuluhang pagdiriwang. Muli, maligayang ika-isandaan at labindalawang anibersaryo sa ating lahat.

FRANCISCO T. DUQUE III, MD, MSc
Tagapangulo
Komisyon ng Serbisyo Sibil

Download Chairman Duque’s message

Advertisements

One thought on “Mensahe ng Tagapangulo ng CSC para sa Ika-112 Anibersaryo ng Serbisyo Sibil ng Pilipinas

  1. Congratulations! May our good Lord Jesus Christ showers His abounding blessings and grace to the 112th Phillipine Civil Service Anniversary.  Wishing you more successful years of excellent public service!

    ________________________________

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s